Wednesday, February 15, 2012

Watawat ng Pilipinas

Ang paghahabi ng watawat ng Pilipinas
Ang watawat ay isang malaking bahagi  ng bansang sinasagisag nito. Ito ay nagpapatunay ng kalayaan ng isang bansa at pinapakita din nito ang kasaysayan ng bansang kanyang sinasagisag, Ang watawat ng Pilipinas ay hinabi ng magkapatid na Marcela at Lorenza Agoncillo kasama anng kanilang pinsang si Delfina Herbosa.
 Ito ay dinisenyo ayon sa ating kasaysayan,ang bawat bahagi nito ay may kahulugan tulad ng kulay;ang ating watawat ay may tatlong kulay ;pula,puti,at bughaw. Ang pula ay sumisimbolo sa dugo ng mga pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa, Asul ay nagpapakilala ng patriotismo at katarungan sa ating bansa, Puti ay sumisimbolo sa kapayapaang ating natamo matapos ang digmaan. Bukod pa dito ang ating watawat  ay may puting hugis tatsulok nakapaloob dito ang tatlong bituin, at isang araw, ang puting hugis tasulok ay sinsabing sumisimbolo sa demokrasya at pagkakapantay pantay ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas, Ang araw sa loob nito ay nagpapakilala sa katatagan ng Pilipinas  bilang isang bansang may sariling pamahalaan at malaya n sa pananakop ng dayuhan ito rin ay may walong sinag na nagbibigay parangal sa walong lalawigang nakipaglaban para sa bansa. 

No comments:

Post a Comment